Nasa 24 ang nagsumite ng kanilang mga pelikula para sumali sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa nasabing bilang apat na pelikula ay resubmission o mga pelikulang hindi nakahabol sa deadline noong nakaraang MMFF.

Sinasala na mabuti ng mga selection committee ang mga pelikula at kanilang iaanunsiyo ang mga magiging official entries pagdating ng Marso 2.

Magsisimula ang pagpapalabas ng walong pelikulang napili tuwing Sabado de Gloria.