DAVAO CITY – Dalawampu’t apat na mga personahe ng Southern Philippipnes Medical Center (SPMC) ang tested na positive sa SARS CoV-2 , ang virus na naging dahilan ng coronavirus disease.

Inihayag ni SPMC chief of clinics Dr Ricardo Audan, sa naturang bilang, 12 ang mga doktor, anim ang nurses at anim naman ang administrative staff.

Samantala 14 na ang naka-recover at na-discharge habang dalawa naman ang namatay at walong iba pa ang patuloy na naka confine sa SPMC.

Sa kabuuan, ang lungsod ng Dabaw ay mayroong 206 COVID 19 positive cases, 87 nito ay active cases, 94 ang naka-recover at dalawampot lima ang namatay.