-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay na ng dumating sa pagamutan ang isang ginang matapos itong magbigti sa syudad ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si alyas Lyn, 24, may dalawang anak, hiwalay sa asawa at residente ng Luna Don E. Sero, Barangay Rosary Heights 5 sa Cotabato City.

Ayon sa kwento ng lola ng biktima, natuklasan na lamang niya na nakalambitin si Lyn sa kusina ng kanyang bahay nang lumabas ito para mangihi.

Humingi nang saklolo si lola sa kanyang mga kapitbahay at dinala ang biktima sa CRMC ngunit dineklara ito ng mga doctor na dead on arrival.

Personal na problema ng biktima na humantong sa sobrang depresyon ang dahilan para kitlin nya ang kanyang sariling buhay .

Wala namang nakikitang foul play ang Cotabato City PNP sa pagbigti ng problema.