-- Advertisements --

Nasa 23 katao ang naitalang namatay sa sunog na sumiklab sa karaoke bar sa Vietnam.

Nilamon ng apoy ang ikalawang palapag ng gusali kung saan maraming customers at staff ang nahirapang makalabas ng gusali dahil sa makapal na usok na bumabalot sa hagdanan at sa emergency exit.

Ayon sa top official ng ruling Communist Party sa Binh Duong na si Mai Hung Dung, nagpapatuloy ang kanilang paghahanap sa mga biktima at mayroong 11 katao ang naitalang nasugatan sa insidente.

Sa paunang ulat na dahilan ng sunod ay electrical short circuit.

Kaugnay nito, ipinag-utos na rin ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh ang karagdagang inspeksyon sa mga high-risk venues lalo na sa mga karaoke bars.