Nakahanda na rin ang Philippine National Police (PNP) para sa darating na balik-eskwela sa Agosto 22, 2022.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, nagsimula nang magdeploy ang PNP ng kanilang mga kawani sa mga paaralan at bisinidad ng mga learning institutions bilang bahagi ng kanilang security operations para sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa susunod na linggo.
Aniya, aabot sa 23,000 mga pulis ang ipapakalat ng PNP sa buong mundo partikular na sa mga premises sa mga eskwelahan.
Kabilang na dito ang mga pulis na nakatalaga sa mga police assistance desk na magbibigay naman ng agad na tugon at magpapadali sa paghingi ng tulong ng mgamagulang at estudyante sa tuwing sila ay makakaranas ng security concern.
Dagdag pa ni Fajardo, bandang huling linggo pa lamang ng Hulyo ay nagsimula na rin aniyang nakipag-ugnayan ang hanay ng kapulisan sa mga school administrators at iba pang ahensya ng pamahalaan upang matiyak naman na mananatiling maoobserbahan ang mga ipinapatupad na health and safety protocols sa bansa.
Kasabay kasi ng muling pagsisimula ng pasukan ay inaasahan na rin ang paglabas ng mga tao pagdagsa ng mga ito sa mga transportation at hubs at terminals at gayundin sa mga paaralan.
Samantala, sinabi rin ni Fajardo na nakipag-ugnayan na rin sila sa mga school administration bilang bahagi ng kanilang security operational trust.
Layunin naman nito na magbigay ng dagdag na impormasyon hinggil sa mga crime prevention tips, bullying, illegal drugs at marami pang iba upang maiwasan na masangkot sa mga possible criminal organization ang mga kabataan.