-- Advertisements --

Kinumpirma ng Naval Forces Northern Luzon (Navfornol) na halos 23 manlalayag ng hindi pa natutukoy na Philippine Navy Ship ang nagpositibo sa coronavirus disease.

Ito’y makaraang dumaong ang naturang barko sa probinsya ng La Union.

Noong Setyembre 25 nang kuhaan ang mga ito ng respiratory samples at napag-alaman na positibo sila sa deadly virus.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Navfornol na kaagad dinala ang mga manlalayag sa military treatment facilities sa Metro Manila noong Martes.

Dumating ang barko sa San Fernando City, La Union noong Setyembre 11 mataois sumailalim sa maintenance sa Philippine Navy base sa Sangley Point, Cavite.

Ang mga crew members naman na negatibo sa COVID-19 ay kasalukuyang naka-quarantine sa loob ng barko na nakatakda ring i-disinfect.