-- Advertisements --

Nakapagtala na naman ang Pilipinas ng 225 ng mga dagdag pang mga kaso ng tatlong Omicron subvariants kung saan ang 190 na mga pasyente ay taglay ang BA.5, habang 34 ang BA.4, at isa namang BA.2.12.1 matapos ang isinagawang huling genome sequencing.

Sa kabuuang tally ng BA.5, ang nasa 162 cases ay nagmula sa Davao Region Western, ang 23 pasyente naman ay mula sa Soccksargen, tatlo ang nanggaling sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at tig-isang pasyente mula sa Caraga and the National Capital Region (NCR).

Kasalukuyan namang beniberipika pa ng DOH ang mga exposure at travel history ng naturang bawat infected persons.

Sa ngayon ang nasa 175 na mga kaso ay nakarekober na, ang pito naman ay sumasailalim pa sa isolation at inaantay pa ang resulta sa pagberipika ng walong pasyente.

Iniulat naman ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang huling isinagawang sequencing run, sa overall, umaabot na sa 4,203 ang mga kaso na tinamaan ng BA.5 na na-detect sa bansa.

Samantala ang mga additional BA.4 cases, ang 23 ay mula sa Soccksargen at ang 11 ay nagmula sa Davao region.

“One hundred forty-nine individuals are fully vaccinated, apat ay partially vaccinated, habang ang 37 ay inaalam pa ang vaccination status (four are partially vaccinated while the vaccination status of the 37 is still being verified,” ani Vergeire. “Based on our latest sequencing run, overall, there are 4,203 cases of BA.5 detected in our country, so far.”