Nasa 22 indibidwal ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa isang pribado at iligal na nursing home sa siyudad ng Siberian sa Kemerovo, Russia nitong Sabado.
Ayon sa mga otoridad nangyari ang sunog sa isang private property na ginagamit bilang isang nursing home.
Batay sa mga larawan na kuha ng Russian emergency services kitang kita na tinupok ng apok ang buong building.
Ang Russia’s investigative committee na siyang nag-iimbestiga sa mga major crimes nagpahayag na sinimulan nilang imbestigahan ang insidente upang mabatid ang sanhi ng pagkasawi ng 22 indibidwal.
Batay sa pahayag ng Russian police ang nasabing bahay ay illegal na nag-ooperate.
“Six more were injured, two of them were hospitalized and are in a serious condition with burns,” pahayag ng Russias investigative committee sa pamamagitan ng Telegram.
Iniulat ng komite na isang 31-year old na lalaki ang isinailalim sa interogasyon na umupa sa nasabing provate property para sa mga indibidwal na nasa mahirap na kalagayan.
“On the eve of the incident, the tenants informed the accused that the stove was faulty, but he did not take any action to repair the equipment,” pahayag ng investigative committee.
Sa ngayon nagpapatuloy ang inspeksiyon sa lugar at may mga testigo na rin ang nakuhanan ng testimonya.
Ipinag-utos na rin ni Regional governor Sergei Tsivilev sa mga otoridad na tukuyin ang mga legal entities, entrepreneurs, citizen na nagbibigay ng social services para sa mga elderly and disabled persons.
“When violations are identified, take comprehensive measures to eliminate them,” pahayag ni Tsivilev.