Biniberipika pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang 22 napaulat na nasawi dahil sa pagbaha dulot ng trough ng low pressure area.
Kasama na ang 11 naitalang nasugatan at 2 nawawalang indibidwal.
Ayon sa NDRRMC, nasa kabuuang 1,388,691 indibidwal o 415,496 pamilya ang apektado ng masamang lagay ng panahon sa 5 rehiyon sa Mindanao, Northern Mindanao, Davao Region, Soccskargen, Caraga, at Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa kabuuang bilan ng mga apektadong indibdiwal, mahigit 900,000 ay mula sa Davao region habang mahigit 400,000 ay mula sa Caraga region.
Sa ulat ng NDRMMC nitong umaga ng Lunes, nasa mahigit 200 pang mga lugar ang nananatiling lubog sa baha sa Davao region, Caraga at BARMM kahit wala ng LPA noong Pebrero 3.
Samantalam nasa kabuuang 1,345 kabahayan ang nasira sa Northern mindanao, davao region at Caraga.
Sa agrikultura, apektado ang halos 10,000 magsasaka at mangingisda sa Caraga region pa lamang matapos makapagtala ng mahigit P212 million pinsala sa sektor ng agrikultura habang mahigit P738 million naman ang naitalang pinsala sa imprastruktura sa Davao at Caraga region.