Screenshot 2019 06 29 01 02 53
Congo

Nasa 22 minero na ang patay sa pagguho ng minahan sa Democratic Republic of Congo.

Ayon kay Congo Social Affairs Minister Steve Mbikayi, na nagsagawa na sila ng rescue operations para mahanap ang iba pang naitalang nawawala dahil sa insidente sa bayan ng Kampene.

Itinuturing na isang delikadong pamamaraan ang Artisanal mining na kadalasang nangyayari sa Congo.

Magugunitang umabot na sa 36 minero ang patay sa pagguho rin ng minahan sa Kolwezi noong Hunyo.