Panalo na umano sa puso ng mga Pilipino ang 22 atleta na kumakatawan sa Pilipinas sa 2024 Paris Olympics.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez ipinagmamalaki ng sambayanang Pilipino ang mga ito at pinasalamatan ang mga ito sa ipinakitang galing sa laban na maituturing na pinakamagaling na atleta sa buong mundo
Umaasa ang koponan ng Pilipinas na matumbasan o kaya’y mahigitan ang naging performance noong 2021 Tokyo Olympics kung saan 14 na medalya ang nasungkit ng mga Pilipinong manlalaro kabilang ang makasasayan at kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas na nakuha ni Hidilyn Diaz sa 55kg category sa weightlifting.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez, buo ang suporta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paglalakbay ng mga atletang Pinoy sa Olympics.
Bagamat hindi nakapasok sa Paris Olympics si Diaz kasama sa delegasyon ng ngayon ang iba pang Tokyo Medalist na sina Eumir Marcial (bronze, Tokyo), Nesthy Petecio (silver in Tokyo) at Carlo Paalam (silver in Tokyo) na pawang mga boksingero.
Kasama rin sa world-class athletes ang gymnast na si Carlos Edriel Yulo, pole vaulter EJ Obiena, rower Joanie Delgaco, boxers na sin Aira Villegas at Hergie Bacyadan, hurdlers na sina Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino, Kayla Sanchez at Jarrod Hatch na pawang swimmers, gymnast na si Aleah Finnegan, fencer na si Samantha Catantan, at 15 iba pa.
Siniguro ni Romualdez na buo ang suporta ng Kamara sa mga Pinoy athletes na lumahok sa Paris Olympics 2024.