KORONADAL CITY- Nagresulta sa pagkamatay ng isang 22 anyos na binata ang nangyaring matapos away sa kasintahan nito sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.
Ayon sa report, kinilala ang biktima na si alyas Jerome, residente ng Bagong Silang, Caloocan City at pansamantalang naninirahan sa Barangay Sadaan Midsayap, North Cotabato.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Midsayap PNP, natagpuan na lamang ng kanyang katrabaho na nagpatiwakal at wala ng buhay ang biktima sa tinutuluyan nitong bahay.
Isa sa mga nakikitang dahilan ng dahilan ng mga otoridad sa pagpapakamatay ng bitkima ay depression dahil sa away nito at ng kanyang kasintahan.
Ibidensya umano rito ay ang mga nakitang palitan ng text message ng kanyang girlfriend bago ginawa ang pagpapakamatay.
Sa ngayon, wala namang nakikitang foul play ang PNP sa nasabing insidente.