Humigit-kumulang 21,000 ektarya ng mga pananim na karamihan ay palay ang sinalanta ng Bagyong Aghon.
Ayon kay DA Assistant Secretary for Operations U-Nichols Manalo, ang mga lugar na naapektuhan ng bagyo ay ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon), Bicol Region, at Eastern Visayas.
Sinabi din ng DA official na ibi-verify ng ahensiya sa ground kung lubos o bahagyang napinsala ang mga pananim.
Ito aniya ang magiging basehan kung may tyansa pa na matuloy ang tanim o kung kailangan na itong palitan at magtanim ulit.
Samantala, ayon sa opisyal wala pang nakukuhang datos ang ahensiya sa halaga ng pinsalang idinulot ng bagyo sa sektor ng agrikultura sa 3 rehiyon.
Wala ding naobserbahang pagtaas ang DA sa presyo ng mga produktong pang-agrikultura sa ngayon.