-- Advertisements --
Idineklara na ni California Governor Gavin Newsom ang state of emergency sa 21 counties bilang paghahanda sa posibleng malawakang pagbahan.
Ibinabala kasi ng National Weather Service (NWS) na mayroong mahigit 15 milyon katao ang maapektuhan sa malawakang pagbuhos na ulan na magdudulot ng pagbaha sa San Francisco Bay Area at Sacramento region.
Makakaranas aniya ng mga walang tigil na pag-ula n sa Santa Cruz Mountains na ito ay magtutuloy-tuloy sa kabundukan ng Santa Lucia.
Mananatilng nakabantay ang mga otoridad hanggang sa araw ng linggo.
Pinayuhan din ng National Weather Service ang mga residenteng malapit sa Big Sur, Carmel, Salinas at Pajaro rivers na lumikas na.