-- Advertisements --

Nasa 21 katao ang nasawi matapos ang naganap na pagkakasunog ng isang pagamutan sa Beijing.

Dahil sa insidente ay inilikas ang 71 na pasyente sa nasusunog na Changfeng Hospital.

Umabot ng mahigit tatlong oras bago ito tuluyang maapula.

Inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi ng pagkakasunog ng nasabing pagamutan.