-- Advertisements --

Bahagyang napinsala ang nasa 21 health facilities matapos ang pananalasa ng nagdaang bagyong Karding ayon sa Department of Health (DOH).

Iniulat ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ilan sa mga pasilidad ay natanggalan ng bubong at binaha.

Sa kabila nito ay hindi naman naantala ang kanilang paghahatid ng serbisyo.

Nakatakda na ring isagawa ang pagkumpuni sa mga naitalang pinsala sa tulong na rin ng mga lokal na pamahalaan.

Ayon pa kay Vergeire wala namang mga covid-19 vaccine ang nasayang dahil sa bagyo.

Samantala, matapos ang pagbaha sa bahagi ng Luzon dahil sa nagdaang bagyo, ipinag-utos na rin ng DOH sa kanilang regional directors ang pagbibigay ng post-exposure prophylaxis laban sa banta ng leptospirosis na libreng ibinibigay sa mga health centers.

Base sa data mula Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon, tumaas ng 15% ang nagkakasakit ng leptospirosis sa bansa.

Pinakamaraming kaso na naitala sa Metro Manila na may 279 cases ng leptospirosis, sinundan ng Cagayan Valley at Western Visayas na nakapagatala ng parehong 174 cases.

May kabuuan na 205 leptospirosis-related deaths sa unang walong buwan ngayong taon.

Top