-- Advertisements --
Bureau of Immigration

Ipinag-utos na ng Bureau of Immigration (BI) sa 21 Chinese nationals na agad umalis sa bansa matapos silang i-blacklist ng pamahalaan dahil over-staying na ang mga ito sa bansa.

Ang mga banyaga ay nag-avail daw ng Visa Upon Arrival (VUA) program ng pamahalaan.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na nag-isyu ito ng blacklist order sa Bureu para paalisin na ang mga illegal aliens sa bansa matapos ma-update ang kanilang pananatili sa bansa at nabayaran na ang mga required fees, fines at penalties.

Ang naturang mga Chinese ay pagbabawalan na ring makapasok sa Pilipinas dahil sa paglabag ng mga ito sa batas ng bansa.

Dagdag ni Morente, overstayed daw ang visa ng mga banyaga pero wala silang balidong justification na paglabag sa terms and conditions nang sila ay tanggapin bilang grantees ng VUA program.

Ang 21 blacklisted Chinese nationals ay dumating sa bansa sa magkahiwalay na petsa noong December at January matapos mag-apply ng VUA program at aprubahan ng BI.