-- Advertisements --
Umaabot na sa 21.73% o 23,420 physical election returns ang natanggap ng poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) nitong gabi ng Miyerkules, tatlong araw makalipas ang eleksiyon.
Ayon sa tagapagsalita ng PPCRV, nasa 12, 595 election returns na ang natanggap mula sa Luzon, 9,831 mula sa Metro Manila at karagdagang 994 mula sa Mindanao.
Ang election returns na ito ang gagamitin para sa pagberipika kung ito ay tugma sa kanilang electronic results mula sa transparency server ng Commission on Elections (Comelec) .
Ayon kay Atty. dela Cruz, sisimulan ang first run ng validation ngayong araw, May 12.









