Ikinatuwa ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang naging deklarasyon ni Makati City Mayor Abby Binay na rerespetuhin ng Makati LGU ang desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklarang mapapasailalim sa hurisdiksyon ng Taguig ang Fort Bonifacio Military Reservation at ang sampung barangay ng Makati.
Ayon sa Taguig LGU, tinuldukan na umano ni Mayor Abby Binay sa dalawang dekadang kaso ang magbibigay daan sa maayos na paglipat ng pamamahala sa sampung barangay na hindi maaantala ang public servicrs.
Tiniyak naman ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na ang mga residente mula sa sampung barangay ay pangangalagaan bilang mga constituents ng Taguig na karapat-dapat sa mga programa nito tulad ng scholarship program at iba pang mga benefits.
Samantala, iminungkahi ng Taguig LGU na lumikha ng isang joint transition team na makikipag-ugnayan sa mga national government agencies at lahat ng stakeholder para sa mabilis na paglipat ng pamamahala at tukuyin ang karaniwang layunin at kapakanan ng mga residente.