-- Advertisements --
Makakasiguro ang lahat ng residente ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na magiging inclusive ang nalalapit na parliamentary elections sa rehiyon, Muslim man ang mga ito o hindi.
Ayon kay BARMM Spokesperson Mohn Asnin Pendatun na mayroon silang mga reserved seats sa mga miyembro ng parliament.
Ang mga reserved seats aniya na ito ay para sa mga sektor, na base sa kasaysayan, ay hirap makakuha ng kinatawan o boses sa BARMM space.
Kabilang na aniya dito ang mga Christian settlers sa rehiyon, mga kabataan, at iba pang traditional leaders.
Pagbibigay diin ng opisyal, pagdating sa BARMM, ang pinagbabatayan lamang nila ay ang plataporma ng mga kandidato at mga partido na lalahok sa kauna-unahang parliamentary elections.