-- Advertisements --

Plano ng House of Representatives na maaprubahan na ang proposed P5.768 trillion national budget para sa 2024 bago ang kanilang session break.

Magsisimula na kasi ang plenary deliberations ng budget sa darating na Setyembre 19.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na papalawigin ng mababang kapulungan ng kongreso ang kanilang trabaho sa buong linggo para maabot ang petsa ng pagpasa ng budget at maipadala ang appropriations bill sa Senado.

Dagdag pa nito na mula umag hanggang hapon ng Huwebes at Biyernes ay magdoble kayod sila para sa maabot ang kanilang timeline.

Sa Setyembre 27 kasi ang target nilang huling araw ng budget deliberation ngunit ang lowe chamber ay maaring magkaroon pa ng session ng hanggang Setyembre 29.