-- Advertisements --

Iprenisinta na sa Senado ang Committee Report ukol sa 2023 national budget.

Mismong si Senator Sonny Angara ang nag-sponsor ng committee report bilang siya ang chairman ng Senate Committee on Finance.

Sinabi nito ng senator na ang budget ay nagtataglay ng apat na P o 4P at ito ay ang Populasyon, Presyo, Projects at Payroll.

Ang P5.268 trillion na national budget na base sa kuwenta ng senador ay gagastos ang bansa ng P14.4 bilyon kada araw kung saan mababawi ang P10-B sa pamamagitan ng kita ng gobyerno at ang P4.4-B naman ay utang.

Nakalaan din sa budget ang mga mahahalagang proyekto na makakatulong sa bansa.

Nakatakda namang simulan ngayong araw ang debate sa senado para sa 2023 national budget.