Pormal nang nagtapos ang ika-2023 Kasangga exercises sa pagitan ng Pilipinas at Australia na taunang joint military exercises ng Armed Forces of the Philippines at Royal Australian Regiment.
Ang naturang military exercises ay nilahukan ng nasa 200 sundalo mula sa dalawang bansa na magkasamang nagsanay sa Tanay, Rizal.
Kabilang sa mga training na kanilang pinagdaanan ay ang close-quarter battle, urban warfare, sniper training, and combat medicine.
Ayon kay Philippine Army Commanding General Lieutenant General Romeo Brawner, batid ng kanilang hukbo na may kakulangan pa ito sa technical advancement pagdating sa warfighting at ang isinagawang joint military training nito kasama ang Australian Defense Forces ay makakatulong para sa kanila upang gawing moderno pa ang kanilang kakayahan na lumaban sa mga digmaan sa hinaharap.
Samantala, para naman sa Australian Defense Forces ay sinabi ni Australian Assistant Defence Attache Lieutenant Colonel Tim Lopsik na sa pamamagitan ng taunang Kasangga military exercises na ito ay nabigyan ng pagkakataong matuto ng jungle warfighting ang mga kasundaluhan ng Australia.
Ang taunang military exercises ay bahagi ng matagal na panahon nang matibay na strategic alliance ng dalawang bansa na layuning mas paigtingin pa ang interoperability ng Pilipinas at Australia laban sa mga kalamidad at external threats.
Samantala, Bago matapos ang taon, inaasahang magsasagawa ng military drills ang mga pwersa ng Australia kasama ang Philippine Army Scout Rangers sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.