Mabilis umanong mailalabas ang pondong nakapaloob sa mahigit P5-trillion 2022 national budget.
Ito ang sinabi ni Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, kasunod ng pakikipagpulong nila sa kinatawan ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO).
Dito ay napag-alamang sa Disyembre 27, 2021 na lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang panukalang pondo.
Ayon kay Angara, ang pag-apruba sa 2022 national budget ay nangangahulugan din ng P20 billion na mailalaan ng gobyerno bilang tulong sa mga nasalanta ng typhoon Odette.
Sinabi ni Angara na matutulungan nito ang mga nawalan ng bahay at hanap-buhay dahil sa bagyo.
Kung may savings ang mga ahensya ng gobyerno maaari itong ilipat ng Pangulong Duterte para sa relief at rehabilitation effort o para sa calamity response.
Giit ng senador, ang power to realign savings ng pangulo ay constitutional at ginagawa sa mga sitwasyon tulad ng pagtugon sa kalamidad.
Maliban dito, malaking bahagi rin ang ilalaan ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 response.