-- Advertisements --

Naratipikahan na ng senado ang proposed P4.5 trillion 2021 national budget.

Ayon kay Senator Sonny Angara, ang chairman ng Senate committee on finance, nakatuon ang bicameral conference committee sa pagtugon sa pandemic at kalamidad lalo na ang nagdaang malalakas na bagyo.

Unang naratipikahan ng House ang budget dakong 6:30 gabi ng Miyerkules at matapos ang dalawang oras ay sumunod ang senado sa pagratipika.

Kabilang sa bicam-approved bill ay ang P72.5 billion sa regular at unprogrammed funds para sa pagbili ng COVID-19 vaccine, storage at distribution sa 2021.

Nasa P23 billion din ang na-realigned para sa rehabilitation ng mga lugar na apektado ng nagdaang malalakas na bagyo na tumama sa bansa.

Pagatatanggol naman ni House committee on Appropriation chair Eric Yap na ang P23 billion allocation ay galing sa pagpondo sa mga projects at programs na “unimplementable”.

Itinuturing naman ni Senator Grace Poe ang vice chairperson ng Senate finance committee at miyembro ng bicam na nasa tamang panahon ang pagpasa ng budget dahil sa ito ay nakatutok sa mga tao na apektado ng COVID-19 pandemic.

Target naman na maipasakamay ang 2021 budget bill sa Malacañang para mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa December 18 o December 21.