-- Advertisements --

Mas mabilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo kumpara sa target ng pamahalaan noong 2021, base sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Ito ay kahit pa patuloy namang nag-decelerate noong Disyembre ang inflation rate sa bansa.

Ayon sa PSA, ang inflation rate noong Disyembre ay 3.6 percent, mas mabagal kaysa 4.2 percent noong Nobyembre at bahagyang mas mabilis naman kumpara sa 3.5 percent na naitala noong 2020.

Kaya naman ang average inflation rate noong 2021 ay nasa 4.5 percent, mas mataas kaysa 2.6 percent noong 2020 at lagpas din sa target range ng pamahalaan na 2 percent hanggang 4 percent.

Sinabi ng PSA na ang mga contributors sa naranasang downward trend ay ang mga alcoholic beverages at tobacco; damit at footwear; furnishing, household equipment at routine house maintenance; health; transport; recreation; at restaurant at miscellaneous goods.

Pero ang main contributor naman sa mataas na inflation rate sa kabuuan ng 2021 ay dahil sa presyo ng karne, partikular na ng sa baboy.

Magugunita na ang presyo ng karne ay tumaas ng 4.7 percent month-on-month noong Disyembre, at 14.2 percent naman sa year-on-year.