Dinagdagan ang pondo para sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa ilalim ng 2021 national budget na magbibigay ng maayos na medical care para sa kabataan.
Sinabi ni Senate Committee on Finance chairperson Senator Sonny Angara, ang budget ng PCMC ay dinagdagan ng halos P900 million para sa pagbili ng iba’t ibang hospital equipment, pagpapatayo ng pediatric rehabilitation center at gayundin ang assistance para sa mga indigent patients.
Ang PCMC ay isang specialized hospital sa ilalim ng auspices ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Angara, mahalaga ang papel ng PCMC sa pagbibigay ng high quality medical care sa kabataang Pilipino. Nais aniya nila na siguruhin na kaya ng PCMC na ipagpatuliy ang kanilang mandato at serbisyuhan ang mas marami pang pasyente lalo na’t nahaharap sa health crisis ang bansa.
Dagdag pa ng mambabatas na ang dagdag budget para sa PCMC ay upang tulungan ding sumailalim sa libreng chemotherapy ang mga bata na nakikipaglaban sa sakit na cancer. Gayundin ang mga bata na nangangailangan ng heart surgery.