Nasungkit ni dating US Vice President Joe Biden ang kauna-unahan nitong panalo sa South Carolina primary matapos ang ipinakitang suporta para sa kaniya ng mga black voters.

Ito ang ikatlong nomination contest na isinagawa ng Democratic Party upang pagdesisyunan kung sino ang tatakbo sa 2020 US presidential election.

-- Advertisement --

Base sa preliminary result at exit polls, naungusan ni Biden si Sen. Bernie Sanders na nakakuha lamang ng 19.8% ng boto habang 49% naman ang dating bise presidente.

Ang naturang resulta ng botohan mula sa South Carolina ay malinaw umanong senyales na posibleng magbago ang takbo ng laban para sa partido ng Democrats.