-- Advertisements --
Nagdesisyon na sumali sa Miss Universe Philippine 2022 ang beauty queen na si Michelle Dee.
Sa kaniyang social media account ay kaniyang kinumpirma sa pamamagitan ng pagpost ng larawan niya na nagpagupit ng buhok.
Magiging representatvie ang 26-anyos ng lungsod ng Makati.
Aminado ito na na hindi madali sa kaniya ang nasabing pageant at isang malaking hamon ito sa kaniya.
Nais niya ng maging inspirasyon sa iba kaya niya naisipang sumali sa pageant.
Nagwagi si Dee ng Miss World Philippines 2019.
Magugunitang ang kasalukuyang Miss Universe Philippines na si Beatrice Luigi Gomez ay nagtapos ng top 5 sa 70th Miss Universe pageant noong Disyembre.