-- Advertisements --
Nakapagtala ng bagong record ang bansa matapos na malampasan ang cash remittances ng mga overseas Filipino workers noong 2019.
Sa inilabas na datus ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) umabot sa $30 billion o P1.5 trillion ang kabuuang remittance noong nakaraang taon.
Mas mataas pa ito ng 4.1 percent noong 2018 o katumbas ng $28.9 billion.
Ayon pa sa BSP, nananatili pa ring matatag ang cash remittances noong nakaraang taon.