Dalawang linggo bago ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2019, kanya-kanyang countdown na partikular ang ilang kandidata na kabilang sa “early favorite.”

Tulad na lamang nina Bea Patricia Magtanong na kung maaalala ay kabilang sa mga pumasa sa 2018 Bar exam, at si Vicki Rushton na sinasabing target masungkit ang Bb. Pilipinas-Universe title.

Matapos ang pagbisita sa Vigan at Boracay, kabilang pa sa mga aktibidad ng Binibining candidates ay ang Parade of Beauties sa Quezon City bukas.

Nabatid na natuwa ang mga kandidata sa “new Boracay” na isinailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.

Una nang inamin ni Atty. Patch na “advantage” ang pagiging Bar passer niya ngunit ayaw pakampante at hangad na mapagtagumpayan ang isa pang pangarap na maging beauty queen para sa mga kababayan nito sa Bataan.

“Definitely an advantage but kulang pa, I need to work hard,” saad nito sa isang panayam.

Para naman sa 26-year-old beauty mula Bacolod at kasintahan ng aktor na si Jason Abalos, sana ay walang magkakasakit sa mga kandidata hanggang sa makaraos sa June 9 big night.

“Few more weeks until the Coronation Night, me and my Binibini sisters can’t be sick. Yes, we have rest days but there are also days that we have an early calltime for a fun all-day activity,” ani Rushton.

Inaasahang uuwi sa bansa ang Fil-Australian beauty mula Bicol na si Catriona Magnayon Gray upang personal na ipasa ang kanyang korona sa susunod na magiging kinatawan ng bansa sa Miss Universe.