Looking forward ang Colombian beauty queen na si Ariadna Gutierrez na makadaupang-palad si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Sa isang panayam, inihayag ng 26-year-old model na ito ay upang pormal nilang mapag-usapan ang naging kontrobersya sa 2015 Miss Universe na tumatak sa kasaysayan ng prestihiyosong pageant.

Ayon sa Miss Colombia, batid niyang marami ang nagalit sa kanya matapos mag-resurface o muling paglitaw ng “wow mali” scenario na announcement of winner ng host na si Steve Harvey kung saan una siyang idineklara na panalo, gayong ang totoong nagwagi pala ay ang 31-year-old Cagayan de Oro beauty.

Dito ay namis-interperet ang kanyang pahayag na parang ghost lang si Wurtzbach o ‘yaong hindi nakikipaghalubilo sa kapwa contestant kaya nagtataka kung bakit kinoronahan.

“I hope to meet you very, very soon and like talk about everything that happened from your point of view to everything you’ve experienced because whatever I say and every time I have an interview people think I hate her or I hate Steve Harvey or whatever. I don’t hate Pia and we were both victims of what happened so every time I think of what happened to me I always think about her and I put myself in her shoes like every time she has to go through during that year I also have to go through so Pia I hope to meet you very, very soon,” saad nito sa push.

Nabatid na wala pa ring komento ang pangatlong Pinay Miss Universe hinggil sa pagkabuhay ng isyu sa kanyang controversial win.

Sa ngayon, nakabase sa Miami, Florida ang Colombian beauty queen at naka-focus sa kanyang modeling career habang isinasabay ang pag-manage ng kanyang negosyo.