-- Advertisements --

NAGA CITY – Aabot sa 200 sako at 150 karton ng mga expired na de lata ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Van Layosa station commander ng NCPO-Station 4, sinabi nitong pinuntahan na nila ang junk shop kung saan nakuha ang sako-sakong mga de lata na umano’y expired na ngunit ibinebenta pa.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na mayroon na umanong dalawang batang ang na-food poison matapos makaakain ng naturang mga produkto.

Ayon kay Layosa, binabagsak ang nasabing mga produkto sa junk shop para idispose na subalit ipinagpabili pa rin ang mga ito.

Sa ngayon, nakatakdang sampahan ng kaso ng lokal na gobyerno ng lungsod ang may-ari ng naturang junk shop.