-- Advertisements --

Inilipat ng Bureau of Corrections (BuCor) ang aabot sa 200 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa patungo sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte.

Ito ay bahagi pa rin ng decongestion program ng bureau.

Ayon kay Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. papalakasin pa ng mga inilipat na persons deprived of liberty ang manpower ng Leyte Regional Prison para sa green revolution program nito.

Ito ay alinsunod sa pagsuporta ng BuCor sa food security program ng pamahalaan sa pamamagitan ng pag-empower sa mga preso na makatulong sa komunidad sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay at palay.

Iniskortan naman ng mga correction officer kasama na ang SWAT team at escort personnel mula sa iba’t ibang tanggapan ng NBP ang mga inilipat na PDLs.