LEGAZPI CITY – Nauwi sa disgrasya ang dapat sanang outing ng mag-anak sa Albay matapos masangkot sa aksidente ang sinasakyang jeep sa bayan ng Libon.

Batay sa ulat ng Albay Provincial PNP, nabatid na nawalan ng preno ang driver na si Noli Arroyo, 43, habang binabagtas ang pakurbang kalsada sa bahagi ng Brgy. Talin-Talin.

Daahil dito, dumiretso ang jeep sa patagilid na sementong kalsada.

Nagtamo ng sugat ang 20 sakay nito, kabilang na ang siyam na menor de edad.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang mga naaksidente, habang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.