-- Advertisements --
Patay ang nasa 20 katao matapos na pagbabarilin ng mga militant group sa Somalia ang food aid at ilang mga sasakyan.
Kabilang sa mga nasawi ang mga kababaihan at mga bata sa Hiiraan region sa central Somalia.
Ayon sa regional governor na nilagyan ng bomba ng mga suspek ang isang kotse at doon pinasabog sa mga mataong lugar.
Inatake nila ang mga trucks na may dalang pagkain para sa mga grupo ng mga local fighters na siyang kalaban nila.
Tinuturong nasa likod ng pag-atake ang Islamist militanta group na al-Shabab na siyang nagtatarget sa mga armadong grupo.
Tiniyak ni Somalia President Hassan Sheikh Mohamud na kaniyang pananagutin ang mga grupo na nasa likod ng pang-aatake.