-- Advertisements --
Patay ang nasa 20 katao matapos ang Russian missile strike sa Odesa City sa Ukraine.
Ang unang missile strike ay naganap sa Black Sea port city na ikinasawi ng ilang mga sibilyan at pagkatapos noon ay isinagawa ang ikalawang missile strike ng Russia sa mataong lugar.
Ayon kay Ukrainian Prosecutor General Andriy Kostin na mahigit 70 katao ang kanilang dinala sa pagamutan matapos masugatan sa insidente.
Kinondina naman ni United Nations humanitarian coordinator for Ukraine Denise Brown ang nasabing pag-atake dahil sa dami ng mga sibilyan ang nadamay.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay sumabog ang missile ilang daang metro sa convoy nina Ukrainian President Volodymyr Zelensky at Greek Prime Minister Kyriakos Mitsotakis.