-- Advertisements --

TEXAS – Patay ang 20 katao habang sugatan naman ang 26 iba pa sa nangyaring mass shooting sa isang shopping center sa El Paso nitong araw.

Itinuturing ni Governor Greg Abbott ang pangyayaring ito bilang isa sa mga “deadly days” sa kasaysayan ng Texas.

Ang naturang mass shooting ay nangyari sa isang Walmart store malapit sa Cielo Vista Mall, ilang milya lamang ang layo mula sa US-Mexican border.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang 21-anyos na lalaki na suspect na residente ng lungsod ng Allen sa Dallas, nasa 650 miles (1,046km) east ng El Paso.

Kinilala ng US media ang suspect na si Patrick Crusius.

Batay sa kuha ng CCTV, nakasuot ng itim na T-shirt at ear protector ang suspect bitbit ang kanyang assault-style riffle.

Hindi pa sa ngayon inilalabas ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Subalit, sinabi ni President Manuel Lopez Obrador ng Mexico, tatlong Mexicans ang napaslang at anim naman ang sugatan sa insidente. (BBC)