Siniguro ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hanggang sa katapusan ng taong ito ay madadagdagan pa ang mga rutang kanilang bubuksan para sa mga motorista.
Kasunod na rin ito ng kanilang naging pahayag na nasa 20 pang ruta ang nakatakda nilang buksan hanggang sa katapusan ng buwan ng Setyembre.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang evaluation na isinasagawa ng LTFRB para sa pagbabalik o pagbubukas ng ruta ng pampublikong sasakyan.
Tugon ito ng LTFRB sa interpelasyon ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee, kung maibabalik pa ang mga isinarang ruta noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay LTFRB Chair Cheloy Garafil, noong nakalipas na buwan ay nasa isangdaan tatlumput tatlong ruta na ang nabuksan nila at sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre.
Asahan rin aniya na hanggang sa pagtatapos ng taon ay may ilan pang ruta na maibabalik.
Palala nito sa mga mababatas, na hindi nila maaaring agad-agad ibalik ang mga isinarang ruta dahil na rin sa ikinasang route rationalization program.