-- Advertisements --

Inamin ng United Nations (UN) na kawalan ng bakuna ang isa sa mga pangunahing rason kung bakit patuloy na tumataas ang kaso ng measles o tigdas sa buong mundo.

Batay sa report ng UN Children’s Fund (UNICEF) at World Health Organization, nasa 19.4-milyong bata sa buong mundo ang hindi nabakunahan ng anti-measles vaccine noong 2018.

Ito ay bahagyang mataas mula sa 18.4-milyon na bilang ng unvaccinated noong 2017.

Malaki raw ang naging epekto ng iba’t-ibang issues at kawalan ng impormasyon kaya maraming hindi nabakunahan at nagpabakuna.

Naapektuhan na rin daw nito ang vaccination rate ng bakuna kontra sa iba pang sakit gaya ng diphtheria, tetanus at pertusis.

Ayon kay UNICEF chief Henrietta Fore nasa 350,000 na kaso ng tigdas ang kanilang naitala noong nakarang taon.

Maituturing daw itong wake up call para paigtingin pa ng mga bansa ang pagpapabakuna kotra measles.

Dito sa Pilipinas, nagdeklara ng measles outbreak ang Department of Health noong Pebrero dahil sa biglang lobo ng kaso nito sa ilang rehiyon.(AFP)