-- Advertisements --
Internet

Aabot sa 20 milyong mga Pilipino ang nagsabing wala silang kakayahang mag-avail ng internet nang kahit 1 gigabyte lamang kada buwan.

Ito ang resulta ng isang pag-aaral na isinagawa ng World Data Lab on the Internet Poverty Index kung saan sumampa sa pang-16 na puwesto ang Pilipinas sa 166 na mga bansa na mayroong pinakamataas na bilang ng mga “internet poor” residents.

Bukod dito ay ipinakita rin sa naturang pag-aaral na ang mga internet users sa bansa ay nagbabayad ng hindi bababa sa P650 kada buwan para sa internet connectivity — mas mababa sa P1,400 rate na naitatala sa US.

Samantala, sa ngayon ay wala pa ring nagiging tugon ang Department of Information and Communication Technology ukol dito ngunit kung maaalala, noong 2018, kinontrata ng DICT ang ilang internet service providers para magbigay ng libreng internet connection sa 11,000 sites sa bansa.