-- Advertisements --

Gumawa ng pitong 3-pointers at nagtapos na may 37 points si Anthony Edwards para pangunahan ang pitong manlalaro ng Minnesota Timberwolves na nakakuha ng double figures sa kanilang 129-120 win kontra Indiana Pacers.

Sa panalong ito ng Timberwolves nawakasan ang kanilang two-game losing skid.

Liban nito, kinilala rin si Edwards bilang ika-apat na pinakabata sa NBA history na umabot na sa 2,500 ang kanyang puntos.

Batay sa record ang second-year forward na si Edwards ay 20-anyos pa lamang, at 192 days old.

Tanging sina LeBron James, Kevin Durant at Devin Booker ang mga mas batang unang nakaabot sa naturang record.

Samantala sa laro kanina, kumamada si D’Angelo Russell ng 23 points at nagdagdag naman ng 15 points at 13 rebounds si Karl-Anthony Towns para rin sa Minnesota para ibigay ang ika-anim na magkakasunod na pagkatalo ng Indiana.

Si Oshae Brissett ang nanguna para sa Indiana bitbit ang 22 points at 13 rebounds.

Tumipa naman ng 22 points at 16 assists si Tyrese Haliburton, kumamada ng 21 points si Lance Stephenson, at may 17 points at 12 rebounds naman si Jalen Smith.