CAUAYAN CITY- Dalawang puwesto ng Videoke Bar ang nasunog sa Junction, Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay PMSgt. Rency Yarcia ng Bagabag Police Station, nakatanggap sila ng tawag kaugnay sa nagaganap na sunog sa nasabing lugar na agad nilang tinugunan.

Sa nakuha nilang impormasyon sa BFP Bagabag ang mga nasunog na videoke bar ay pagmama-ari nina Valdez Aniban at Kate Isaac.

Dahil sa gawa sa plywood at kawayan ay madaling natupok ng apoy ang mga nasabing puwesto.

Tinatayang isang milyon piso ang halaga ng tinupok ng apoy na kinabibilangan ng ilang videoke machines, cash at 2 motorsiklo.

-- Advertisement --

Wala namang nasaktan sa nasabing subog at sinisiyasat pa ng BFP ang sanhi ng sunog.