-- Advertisements --

Napatay ng airstrike ng Israel ang dalawang top commander ng Revolutionary Guard ng Iran.

Si Iranian Quds Force commander Mohammed Reza Zahedi ay kasamang nasawi ng tamaan ng airstrike ng Israel ang consulate builidng sa Damascus, Syria.

Ayon kay Iranian ambassador Hossein Akbari na tinarget ng F-35 warplanes ng Israel ang gusali na kalapit ng Iranian embassy.

Nagpalipad umano ang Israel ng hindi bababa sa anim na missiles.

Kabilang sa mga nasawi ay si Haji Rahimi na pangalawang commander kasama ang mga embassy staff at military advisers.

Tinawag naman ni Iranian Foreign Minister Hossein Amir-Abdollahian ang pangyayari bilang paglabag sa lahat ng international obligations and conventions.

Nanawagan din ito sa mga bansa na gumawa ng kaukulang hakbang laban sa ginawa na ito ng Israel.

Itinuturing naman ni Syrian Foreign Minister Faisal Mekdad na ang atake ay gross violation ng internatioanl regulations lalo sa 1961 Vienna Convention on Diplomatic Relations.