-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patay ang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos nahulog sa poso negro sa Barangay Tacbuyan, Estancia, Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lt. Edward Villanes, deputy chief of police ng Estancia Municipal Police Station, sinabi nito na nalibang umano ang ina ng bata sa kaka-selfie kasama ang kanyang kaibigan sa loob ng kanilang bahay.
Naglalaro umano ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang bigla itong mahulog sa poso negro.
Tumagal pa ng limang oras ang paghahanap sa biktima hanggang napadaan sila sa poso negro at dito na nakita ang bangkay ng bata na wala nang buhay.