Arestado ang dalawang suspek na na nangotong kay Sen. “Bong” Go na nagpakilalang si Camarines Sur 4th District Rep.Arnolf Fuentevella.

Naaresto ang dalawa sa ikinasang entrapment operation ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group sa Malabon City.

Nakilala an mga suspek na sina Dennis Jose Borbon at Edgar Paolo James Bularan, habang sa hiwalay na operasyon sa Bikol nadakip ang isa pang suspek na si Menard Basa.

Tiniyak naman nina Go at Fuentevella na mananagot sa batas ang dalawa.

Nasa P25,000 ang hinihingi ng mga suspek sa senador at ito ay para umano sa kabataan ng 4th District ng Camarines Sur.

Aminado si Go na may mga senador na rin na unang nabiktima ng grupo ni Borbon na kilalang anti-Duterte blogger.