-- Advertisements --

Nagkasa na ng hot pursuit operations ang Siocon-Philippine National Police sa Zamboanga del Norte kasunod ng pagdukot ng mga hindi nakikilang indibidwal sa dalawang “die-hard” supporters ng isang mayoralty candidate sa nasabing lalawigan.

Ayon sa report, ang dalawang dinukot na biktima ay kapwa supporters ng mayoralty candidate na si Ceasar Soriano at mga tauhan ni Barangay Es-arabi Chairman Salam Madyalis.

Limang armadong indibidwal na nakasuot ng bonnet ang umano’y dumukot sa dalawang biktima na napag-alamang galing sa pangingisda nang mangyari ang insidente.

Sinasabing matigas umano ang ulo ng mga ito.

Nakilala ang mga dinukot na sina Jerry Salba na nakatakas mula sa kamay ng kaniyang mga abductors at si Terridio Lauria na ngayon ay patuloy na pinaghahanap.

Sa kabilang dako, bandang alas-8:00 ng umaga kahapon, nagkaroon ng pagkakataon ang isa sa mga biktima na makatakas at nasa ligtas nang kalagayan ngayon.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad sa Siocon ang isa pang bihag.

Inaalam na rin ng PNP sa Siocon ang totoong motibo sa ng mga abductor.