CENTRAL MINDANAO – Sugatan ang isang negosyante at midwife sa pananambang sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na sina Ibrahim Macacua, 28, negosyante, at Lanie Tarusan, 42, midwife, mga residente ng Barangay Making, Parang, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya lulan ang mga biktima sa isang kotse sa Brgy Nituan, Parang Maguindanao ng ito ay paputukan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan.

Kahit sugatan si Macacua ay nagawa pa nitong patakbuhin ang kotse at nagpasaklolo sa pulisya.

Agad dinala ang mga sugatan ng mga otoridad sa isang pagamutan sa Cotabato City.

Sa ngayon ay blangko pa ang Parang PNP sa motibo sa pamamaril sa mga biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.