-- Advertisements --

Sugatan ang dalawang katao sa naganap na pamamaril sa isang shopping center sa Sweden.

Naganap ang insidente sa Emporia shopping center sa Malmo City kung saan naaresto ng mga kapulisan ang isang suspek.

Itinakbo na sa pagamutan ang mga nasugtang biktima habang kinordonan na ng mga kapulisan ang lugar.

Patuloy na inaalam ng Swedish police ang motibo ng nasabing pamamaril.