NAGA CITY – Sugatan ang dalawa katao sa nangyaring aksidente sa Barangay San Juan, Magarao, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Lydia Rodrigo, 58, at Alberto Aven, 51.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na patawid ng kalsada si Rodrigo ng mahagip ito ng isang utility vehicle na minamaneho ni Christian Arañas, 30.

Kaugnay nito, nabangga pa si Rodrigo ng motorsiklo na minamaneho ni Alberto Aven, 51, na kasalubong ng utility vehicle.

Kaugnay nito nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang pedestrian at ang motorista na agad namang isinugod sa ospital.